Pages

Saturday, March 20, 2010

Ang pagpili ng mga opisyal ng gobyerno at Ang sakop ng pangbansang ekonomiya

Ang pagpili ng mga opisyal ng gobyerno

Pagpapaganda ng opinyon ng madla: Isang importanteng aspeto ng sistema ng politika ang pagpapaganda ng opinyon ng madla. Ang prespiktobo ng mga tao ng isang comyunidad sa problema ng bansa ay tinatawag na opinyon ng madla. Dapat alam ng mga tao ang kanilang gustuhin at sabihin ito ng malaya. Hindi lamang sapat na maniwala tayo sa isang problema ng ating bansa dapat pinaparating rin natin ito sa ating mga opisyales. Ang opinyon ng madla ay dapat nakabase sa totoo at constraktibo. Ang opinyon na ang lahat ng kumakandidato ay gusto lamang yumaman at lahat sila ay pareparehas lamang ay mali at destruktibo. Dapat ay pinaghihiwalay ang mabubuti at masasamang opisyal at alamin kung paano sila palitan at paano itutuwid ang mga masasamang gawain nila.

Pagboto bilang isang responsibilidad: Hindi sapat na ang eleksyon ay malinis dapat sinasalamin rin ito ang kagustuhan ng mga tao. Isa sa mga principales ng ating gobyerno ay “rule of majority”. Ito ang konsepto na bumuo sa eleksyon. Sa kasmaang palad karamihan sa mga tao ang hindi bumoboto kaya ang resulta ng eleksyon ay puweding resulta lamang ng opinyon ng iilang grupo ng tao. Kaya essential na ang lahat ng qualipikadong botante ay bumoto. Para mahalal ang mga mabubuting opisyales at magkaroon ng magandang gobyerno dapat ay bumoto ang mga botanteng nagiisip at may kaalamanan.

Pagsali sa mga asosasyon sa politika: Ito ay parte na n gating domokratikong sistema ng gobyerno. Ito ay binubuo ng mga politiko na mayroong iisang hangaring political. Ito ay kapakipakinabang kung ang mga idiyal nila ay nananatili at ito ang sentro ng kanilang grupo. Ito ay ginagagamit sa pagpaparating ng kanilang mga plataporma. Sa pagtatatak ng opinyon ng madla. Ito ay nagiging distruktibo kapag isang grupo ay lumakas at kinokontrol na niya ang asosasyon.

Ang sakop ng pangbansang ekonomiya

Aktibidad sa ekonomiya: Ito ay tumutukoy sa mga aktibidad na tumutugon sa mga pangagaylangan ng mga tao. Kapag pinagusapan ang pagaaral ng ekonomiya sa bansang pilipinas ang pagaaral nito ay mababa kung bakit salampak sa kahirapan ang bansa. Ito ang pagaaral sa progresibong pagtaas ng paraan ng pamumuhay ng tao. Ito ang pagaara kung bakit ang mga factories ay dapat sa syodad at bakit ang pagmamanipikitura ng farms at natural resources ay dapat tumaas. Ito ay pagaaral rin ng kawalan ng trabaho at pangagayalangan ng pagpapalawak ng mga industriya at bakit dapat tuloy-tuloy ang pagdagdag ng mga kumpanya na susustina sa tumataas na demand ng trabaho. Sakop rin nito ang paraan ng pamimigay ng pera ng pantay pantay sa sahod at prebelehiyo, trabahador at nagbibigay trabaho, farmer at ang may ari ng lupa , at ang taga gawa ng produkto at taga kalat nito.

Ang ating ekonomiya:

Sa ating ekonomiya ngayon hindi mapapagkaila na meroon tayong mayaman, saksakan ng yaman, mahirap, saksakan ng mahirap, at tama lang ang yaman. Sa totoo lamang 85% ng yaman ng bansa ay napupunta sa mayayaman na 10% lamang ng papulasyon at ang natitirang 15% ng yaman ay napupunta sa 90% ng papulasyon.

Ang mga ginagwa ng gobyerno para matulungan ang mamamayan: Tumutulong naman ang gobyerno sa mga mamamayan ngunit sa kasamaang palad karamihan ng mga mayayaman at makapangyarihan ay patuloy na hinaharangan ang pagtulong. Ginagamit nila ang kanilang koneksyon sa senado para harangan mga programa na nakalaan sa

· Pagbibigay trabaho sa wala

· Pagbibigay ng muarang pagkaen tulad ng kanin at mais

· Pagbibigay ng pondo sa communidad para sa mga paaralan at iba pa

· Pagbibigay ng mas dekalidad na serbisyo sa edukasyon at kalusugan

· Pagsasaayon at paggagawa ng mga ipristraktura

Pinansyal:

Porkbarel: Meroong malaking pera nabinibigay sa Kongreso at senado para sa nasasakupan nila. Ang kongreso ay meroong 12.5 na milyon proyekto bawat taon at ang senado ay 18 milyon. Sa kasamaang palad meroong tinatawag na “congressional insertions” na legal. Ang house of representatives ay meroong 60 milyon at ang senado ay 80 milyon. Ang perang ito ay napupunta sa kanilang bulsa. Ito ay isang malaking bentahe kaya’t 85% ng local reelectionists ay nananalo. Painapakita dito na gumagamit ng malaking pera ang mga kumakandidato para manalo at ang mayroong mas malaking nagastos ay kadalasan mas nananalo.

Political Slogans:

Pagbebenta ng isang idiya: Ang trabaho ng isang slogan ay ang pagbebenta ng isang idiya. Ang isang kasinungalingan ay nagmumukang tama at totoo kung ito ay masasaad sa isang kaaya ayang paraan. Mas dramatiko ang pagkakasaad ay mas epektobo ito. Ito ay kadalasan na ginagamit ng mga politko sa pangagampanya. Para ito ay maikalat sila ay nagpapagawa ng maraming materyales na nagbibigay trabaho sa mga tao. Gamit ito nakakagawa na sila ng pagpapakalat ng kanilang slogan nakukuha pa nila ang boto ng mga nabigyan ng trabaho dahil dito.

1 comment:

  1. gurukhuana: youtube.com ▷ Download and play for free
    youtube.com video_gurukhuana. YouTube · YouTube · YouTube · youtube to mp3 YouTube · YouTube. YouTube · YouTube. GURUK HOMOSHOT · YouTube · YouTube. YouTube · YouTube.

    ReplyDelete