Sunday, March 21, 2010
kongklusyon
May epekto ang mga nananalo sa halalan ayon sa isatistika ngunit sa kasamaang hindi ito nararamdaman ng mga simpleng Pilipino na tinatawag nating mahihirap. Sa panahon ng halalan o sa panahon ng pangagampanya nagbibigay ng iba’t ibang klase tulong ang mga kumakandidato na tumatagal lamang ng panandalian. Ang mga tulong na ito ay hindi lamang panandalian hindi rin ito umaabot sa lahat ng nagagaylangan. Ang lahat ng politiko na nahahalal ay nagbibigay ng iba’t ibang solusyon sa problema ng pagkagutom ngunit hindi ito sapay para sugpuin ang problema. Totoo rin na tuwing panahon ng eleksyon ang ilang walang trabaho ay nagkakaroon dahil sa pangagaylangan ng trabahador. Dahil dito panandalian at kakaonting nababawasan ang dami ng pamilyang kumakalam ang sikmura ngunit ito ay panandalian lamang. Sumatotal hindi tunay na bumababa ang porsyento ng nagugutom tuwing panahon ng eleksyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment