Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga datos tungkol sa Porsyento ng nagugutom. Nakita nila ang naturang datos sa websiet ng SWS upang suriin ng mabuti kung totoo nga ba na bumababa ang bilang ng nagugutom tuwing eleksyon.
Ipinapakita sa table 1 at 2 na ang dami ng nagugutom nung administrasyon ni Erap ay mas kakaonti kaysa sa administrasyon ni Arroyo. Pinapatunayan rin dito na ang bilang ng mga pamilya na nagugutom simula noong 1998 ay nadaragdagan hanggang kasalukuyan. Ang mabuti lamang na pinapakita dito ay pinakaonting bilang ay sa malalaang nagugutom(severe) at paminsanminsan bumababa rin ang bilang ng mga nagugutom. Ngunit ang pinaka pinapakita ng data ay paakyat pa rin ang bilang ng nagugutom habang tumatagal.
Pinapakita dito na hindi stabilisa ang pagbabago ng prosyento ng nagugutom sa pilipinas. Ito ay maganda sa isang banda dahil hindi diretdiretcho ang pagtaas ng dami ng nagugutom. Ngunit sumatotal ang bilang ng gutom na pamilya sa pilipinas at tumataas at patuloy na tumataas. at hindi ganong nakakaapekto
Ang bilang ng mga nagugutom ay akyat baba tulad ng nakasaad sa mga table ngunit mas mataaas ang pagakyat nito kesa sa pagbaba. Pinaghahalintulad rin dito ang bilang ng nagugutom sa Mindanao, NCR, Visayas at Bal Luzon. Ang may pinakamaraming bilang ng nagugutom ay sa Mindanao sumunod sa NCR tapos Visayas at ang huli ay Bal Luzon. Kapag pianghalintulad ang 1998 sa 2009 mapapagtanto na tumaas talaga ang bilang ng pamiyang gutom sa lahat ng lugar na nakasaad.
Ito ang ilustrasyon ng actual na bilang ng nagugutom na nakasaad sa grapiko ikatlo. Napapaghalat lalo dito ang pagiiba ng bilang ng nagugugtom bawat buwan. Ang may pinaka malalang pagkagutom may makikita nung Disyembre 2008.
Base sa mga pinakitang graph hindi gaanung nakakaapek ang nalalapit na eleksyon sa pagtaas o pagbaba ng bilang ng mga nagugutom sa pilipinas ngunit ang epekto ng eleksyon sa pagtaas o pagbaba ng bilang ng nagugutom ay makikita lamang pagtapos nito. Makikita pagtaas o pagbaba sa pagpapalit ng administrasyon.
No comments:
Post a Comment