A. Paglalahad ng Suliranin
Ang isa sa mga mabigat na suliranin ng Pilipinas ay kahirapan na nag-gagaling sa koraption at kawalan ng trabaho na nagdudulot ng pagkagutom ng ating mga kababayan. Ang ilan sa mga tanong na naglalaro sa kanilang isipan ay “anong maidudulot ng darating na halalan sa amin?” “Ang pilipinas ba ay uunlad o lalong malulugmok?” “May may-babago nga ba? “Magbibigay ba ng trabaho ang darating na halalan?”
B. Personal na Udyok
Ang kadahilanan kung bakit napili ng mga mananaliksik ang pahayag na: “Bumababa ang bilang ng mga nagugutom tuwing eleksyon” ay dahil sa ito'y napapanahon. Napili rin ang paksang ito sa kadahilanang ito ay makakatulong sa pagmulat ng mga tao kung ano-ano ang mga magagandang epekto ng eleksyon sa ating ekonomiya, kababayan at kabuhayan.
C. Rebyu/Pag-aaral
Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik walang tiyak na pag-aaral tungkol sa kanilang paksa pero may mga nahanap din naman sila. May ilang pag-aaral ang nagawa na may kaugnayan sa kanilang paksa .
Isa na dito ang “The Circus of Election Campaign” ni Bong Predalino. Ayon sa kanya ang napangangampanya ay puno ng panloloko at panlililang. Kagaya ng isang salamangkero sa isang peryahan.
Ang isa naman isang artikulo na may kaugnayan sa aming pag-aaral ay “ Hunger in the Midst of an orgy spending” ni Jose Ma. Montelibaro. Ayon sa kanyang artikulo ay nung 4th quarter ng 2009 ay nagtala ng 23.7% pamilyang Pilipino ay ang nagugutom at si Villar daw ay dating mahirap pero ang malaking tanong ay bakit ang kanyang mga kapitbahay ay nanatiling mahirap.
At ang huli sa lahat ay nagsasagawa ng mga Surbey ukol sa porsyento ng mahihirap sa bansa ito ay ang Social Weather Stations (SWS). Ito'y kilala sa kanilang pagbibigay ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng Surbey upang malaman ng boses ng karamihan ukol sa iba't ibang paksa katulad ng “presidential election”, pagkagutom, kahirapan at iba pang nararanasan ng karaniwang pilipino.
D. Layunin
Ang layunin ng mga mananaliksik sa kanilang Pag-aaral ay ang mga sumusunod:
a. Makapagbigay ng kaalaman o tiyak na impormasyon sa kanilang kababayan ukol sa lagay ng ekonomiya ng ating bansa sa darating na eleksyon.
b. Makatulong na mapakita ang kahalagahan ng eleksyon at mabuting idudulot nito at masamang idudulot nito sa ating ekonimiya.
c. Mapapakita ang mabuti at masamang idudulot ng darating na eleksyon sa ating bansa at kung makakatulong ba ang darating na eleksyon sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom.
E. Kahalagahan
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay upang makapagbigay ng impormasyon sa ating mga kababayan ukol sa nalalapit na eleksyon at mapakita kung paano ito makakaapekto sa ating Ekonomiya, pamumuhay at iba pa. Ito ang ilan sa mga kahalagahaan ng paksa.
F. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay magsisimula sa pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa o kung anu anong may kaugnayan dito na mukukuha sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro, pagreresearch gamit ang internet o kaya kahit anung artikulo na may kaugnayan sa aming paksa at kung hindi pa sapat ang kanilang nakalap na impormasyon ay magsasagawa sila ng mga interbyu sa mga taong makokonsiderang nagugutom at ang epekto ng eleksyon sa kanilang pagkagutom.
G. Saklaw/ Delimitasyon
Ang saklaw ng pananaliksik ay umiikot lamang sa kaugnayan ng eleksyon sa ekonomiya, nagugutom na mga pilipino at kabuhayan. Ang porsyento ng nagugutom bago, habang at pagkatapos ng eleksyon ay kasama rin sa pananaliksik. Ang mga dahilan ng pagbago ng bilang ng mga nagugutom tuwing at pagkatapos ng eleksyon ay saklaw rin ng pananaliksik.
H. Daloy ng Pag-aaral
Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tungkol sa ekonomiya at eleksyon. Ang kahulugan ng ekonomiya at eleksyon at sakop nito ay kabilang rito.
Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tumatalakay sa mga kontribusyon ng mga Pilipino sa makabagong ekonomiya at eleksyon. Ipapaliwanag dito ang kahalagahan ng eleksyon sa ating bansa lalo na sa ating ekonomiya. Gamit ang pakikipag-usap sa mga mahihirap na Pilipino malalaman ng mga mananaliksik ang epekto ng eleksyon sa kanila galing sa sarili nilang bibig at prespektibo.
Ang huling parte ng pananaliksik ay nakasentro sa totoong epekto ng darating na eleksyon sa bawat individual. Ipinakikita rito ang mabubuting at masasamang epekto ng eleksyon sa ekonomiya ng ating bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment